Ang online stopwatch – ChronMe

Published on Monday, October 13th, 2014

Ang pag-hawak sa oras na ating ginagawa ang pangaraw-araw na gawain ay isang magandang paraan sa pag-dagdag sa ating productivity. Sa marami sa atin, ang ating computer ay parang isang black hole kung saan nawawala ang ating oras at kung kelan mapapansin na natin ito isang gabi na ulit ang lumipas na wala tayo natapos. Ito ang panahon na tinatanong natin ang sarili ang pangkaraniwan nating tinatanong: Ano ba ang ginawa ko buong araw?

Isang solusyon sa problemang ito ay makikita sa ChronMe, isang online stopwatch na makakatulong sa pagsukat sa oras na iyong ginamit sa iyong mga pangaraw-araw na gawain sa pamamagitan ng pagtago ng isang interactive na record o itinerary na binubuo ng listahan. Gagawing kang up to date sa lahat ng bagay na iyong nagawa, kelan sila nagsimula at kung gaano katagal mong ginawa ito.

Ang English na bersyon ng ChronMe online stopwatch ay gumagana mula pa noong 2008. Hanggang sa kasalukuyan marami kaming nakukuhang magandang komento sa mga user na gumagamit ng online timer na ito upang:

  • gumawa ng mga talumpati
  • i-monitor ang oras sa proyekto
  • i-monitor ang delay sa proyekto
  • sukatin ang mga oras ng tawag at mga call center
  • i-monitor ang mga hinihingi na serbisyo sa isang kumpanya ng taxi
  • i-synchronize ang mataas na kalidad na video

Sa kanyang intuitive na format dalawa lang ang buttons: ang isang button ay nagsisimula at humihinto sa stopwatch, at ang isa ang nag-rereset sa stopwatch. Sa bawat oras na hinihinto mo ang stopwatch isang bagong rekord ang madadagdag sa iyong listan na nagsasabi ng oras ng pagsimula, ang lumipas na oras at ang eksaktong date na nangyari ito.

Ang nakalistang resulta ay pwedeng i-download sa computer sa format na CSV o SCSV, na pwede namang gamitin at iimport sa kung alinmang tugma o compatible na software tulad ng Excel. Maraming user galing Europe ang malalaman na ang SCSV ay magaayos ng data sa columns pag binuksan sa Excel. Ang pinakamagandang gawin ay subukan sa bawat isa at tinglan kung alin ang pinakamaganda sa iyo.


Comments are closed.